Friday, March 11, 2011

Pangulong NOnoY

PNOY” ang tawag sa kasalukuyang pangulo ng ating bansa na si Benigno Simeon C. Aquino III. Matalino’t mayaman, maabilidad at magaling magsalita. Mga kakayahang kailangan sa pagpapatakbo ng isang organisasyon. Mga kakayahang wala pa ako.
                  Ako ay pangulo din. Sa katunayan, ako ang kauna-unahang pangulo ng Supreme Student Government ng bagong tatag na hayskul ng Biton. Ako ay bagitong pangulo. “Nonoy” kumbaga dahil bata pa kasi ako sa larangan ng pamamalakad ng isang samahan. Hindi ko inaasahan ang responsibilidad na ito, subalit dahil sa taas ng tiwala nila saakin ay sinisikap kong ibigay ang lahat ng makakaya ko. Mahirap...naroong naitatanong ko sa aking sarili kung kaya ko na ba talaga? Magagawa ko ba ito ng tama?
“Nonoy” pa nga talaga ako, kasi madalas pa rin akong madapa, mapagalitan, at masigawan, hindi ng aking mga guro, kundi ng mga kapwa ko mag-aaral na may sariling batas at patakarang sila lang ang dapat masunod.  Minsan, naisip ko nang sumuko...isuko ang mga munting pangarap ko para sa mahal kong paaralang ito. Subali’t naiisip ko rin na paano na ang iba ko pang mga kamag-aral na umaasa saakin. Naisip ko, mas nakararami silang sumusunod at umaasa, at nangangarap ng maganda para sa aming paaralan.
Mahirap talagang maging president, ngunit masarap dahil marami kang matututunan, makikilalang ibang tao, at madaragdagan ng maraming ulit ang iyong karanasan. Bilang pangulo, hindi pwedeng “pa-bandying-bandying”, paupo-upo, o pa-relaks-relaks lang. Dapat lagging malakas ang loob at laging handa sa anumang gawain sa tawag ng iyong katungkulan.
Sa loob ng labis walong buwan kong panunungkulan, wala pa ako halos nagawang pagbabago sa mga mag-aaral at sa paaralan. Subalit ang paaralan at ang SSG ay marami nang naidulot na pagbabago sa aking pagkatao na maituturing kong malaking ambag sa pag-unlad mula sa pagiging dating ako.
Sa mura kong edad, mas umigting ang aking pagnanasa para sa isang makabuluhang hinaharap. Dulot na rin siguro sa maraming pagkakataong ako’y nakaharap sa iba’t ibang klase ng tao sa lipunan mula nang ako ay maging SSG President, lumawak ang aking paniniwala. Unti-unti ko ngayong tinataglay ang mga katangiang mababakas sa ating butihing pangulo ng Pilipinas. Naisip ko, mahigit tatlong taon pa akong mamamalagi sa aking mutyang paaralan...lubhang mahabang panahon pa para maisakatuparan ko ang mga pangarap ko sa aking paaralan…
. Sa gabay ng SSG at ng paaralan, batid ko ring hindi ako maliligaw ng landas. At sa takdang panahon, gigising akong tuwid ang paningin, taas-noong sasaludo sa aking  bagitong simula...ang pagiging “Nonoy” sa pamumuno. Dito ko huhugutin ang aking lakas at inspirasyon para sa mithing pagbabago ng paaralan.
Ako’y “Nonoy” man sa paningin nila, subalit batid kong matututo rin akong maglakad, tumakbo, at humarap sa mga hamon ng pagiging “PNOY”ng matututo rin akong maglakad, tumakbo, at humarap sa mga hamon ng pagiging “PNOY”

No comments:

Post a Comment